Beautiful Memories With My Country (Tagalog)
(Ang magagandang ala-ala mula sa aking bansa)
Isang beses noong ako ay nakikinig ng programa sa radyo mula sa ibang
bansa, ako ay natuwa nang marinig ko ang isang banyaga na sinabi niyang
"I Love Philippines especially their Beaches!"
, kung ang taong banyaga nga ay marunong mag-mahal at mag-pahalaga
sa aking bansa, mas lalong dapat na ako ang mag-mahal sa aking bansang
Pilipinas bilang isang tunay na mamayan nito.
Hindi dahil sa ako ay Pilipino at ipinanganak sa Pilipinas, pero
ang aking bansa ay isa talaga sa mga magagandang bansa sa mundo na
gusto kong tirahan. Kapag pinag-uusapan ang kapaligiran, klima, mga
magagandang tanawin, at natural resources, ang Pilipinas ay isa sa
mga magagandang lugar sa mundo.
Narito ang mga magagandang tanawin at pangyayari sa buhay ko na hindi
ko malilimutan sa aking bansa kahit na ako ay tumanda na.
Lagi kong ikinakatuwa ang mga araw nang ako ay bata pa sa aming probinsiya
sa Samar. Ang lugar nang aking mga Lolo at Lola ay nasa burol na naka-harap
sa Pacific Ocean. Isang araw kami ay namasyal sakay ng isang bangka
at nag-layag mula sa bay-bay. Hindi ko malimutan ang napaka-linaw
na tubig dagat. AKo ay tuwang-tuwa na pinag-mamasdan ang mga koral,
mga isda, ang puting buhangin at iba pang lamang-dagat. Ang tubig
ay nananatiling napaka-linaw kahit kami ay palayo na sa bay-bay at
ang lalim ay lagpas na sa tatlong metro. Hindi ko rin malilimutan
ang bahay ng aking lolo na mayroong silong na napupuno ng mga sea
shells ang sahig. Ang aking Lolo ay isang mangingisda kaya kami ay
palaging may masarap at sariwang pag-kaing dagat.
Sa amin namang bahay, kami ay naka-tira sa bukid na napapalibutan
ng niyog. Ang trabaho ng aking Tatay ay mag-ko-kopra. Malamig at preskong-presko
ang aming lugar. Maraming nag-kalat na bulaklak ng Orchids at kami
ay nag-iigib ng mineral water sa sapa at mga kuweba. Naalala ko ang
munting kubo na ginawa ng aking Nanay mula sa mga dahon at sanga ng
niyog, ako ay nalungkot nang masira ito ng bagyo.
Nang kami ay lumipat sa bayan ng Bataan, maganda rin ang tanawin
sa aming lugar. Ang aming lugar doon ay sa isang burol na maraming
tanim. Kaming mag-pipinsan ay may kanya-kanyang puno ng kasoy at bayabas.
Nang kami ay mga bata pa, naalala ko na kaming mag-pipinsan ay kumakain
sa isang malaking dahon ng saging. Nakalagay doon ang aming mga pag-kain
at kami naman ay tuwang-tuwa. Ang aming inumin ay galing sa mga balon
o ang tinatawag na spring water. Tuwing umaga ay napakaraming hamog,
hindi mo halos makita ang bahay ng iyong kapit-bahay dahil sa kapal
ng hamog.
Kami ay laging namamasyal sa Roosevelt National Park, kung saan maraming
tanim na punong kahoy. Kami ay pinapayagang kumuha basta't mag-papaalam
lang, ang mga bunga ay tulad ng bayabas, caimito, camatsile, mangga,
kasoy, santol at marami pang iba. Marami ding mga turista ang dumadayo
doon para maligo sa ilog at mag-picnic. Lalo na noong meron pang mga
Amerikanong sundalo sa Subic.
********************************************
If you
think this article is worth reading and you'd like to feature in your
own website, newsletter, magazine or gazette, please ask permission
from the Administrator. Email Us at
admin@ofw-connect.com
Copyright©2003 OFW Connect
******************************************