Beautiful Changes Happened in Philippines (Tagalog)
(Ang magagandang bagay na nangyari sa Pilipinas)
Metro Rail Transit o MRT
Ang isa sa mga magagandang bagay na aking kinakasiya ay ang pag-kakaroon
ng MRT sa Pilipinas. Kahit na ito pa ay laging puno tuwing rush hour,
malaking tulong ito upang makarating ako ng mabilis sa aking pupuntahan.
Kapag ako ay mangagaling sa Cubao papuntang Ayala pero ang train
ay mga puno, ang aking gagawin ay mag-pupunta muna ako sa Monumento
station dahil ang mga pasahero papunta sa Monumento ay hindi gaanong
karamihan. At doon, lahat ng pasahero ay baba kaya maluwag na maluwag
ang mga tren. Kailangan ko lamang gumugol ng ilang minuto na ayos
lang naman kesa ang mag-hintay ako at maki-pag agawan sa pag-sakay
na sa istasyon ng Cubao.
Ngunit kapag ako ay bumababa na sa Ayala, nakakapagod mag-lakad sa
kahabaan ng Ayala Ave. Kaya ako na lamang ay sasakay ng Bus dahil
hindi naman gaano ang traffic sa ngayon simula ng mag-karoon ng MRT.
Ang isang bagay lang na hindi ko nagugustuhan sa MRT ay ang pag-aabang
nito dahil ang mga istasyon ay medyo mainit lalo na sa mga tunnel
stations.
WALKWAYS
Kapag ako na ay nasa Ayala Avenue, hindi ko nais na sumakay at mag-abang
ng jeepney. Kadalasan ako na lamang ay nag-lalakad sa kahabaan ng
walkway, ang tulay o overpass na konektado sa ilang mga building sa
Makati. Hindi ko na kailangang mag-lakad sa kalsada at tumawid sa
mga traffic lights. Kung mainit o umuulan, hindi ko na kailangang
mag-dala pa ng payong. Ang isa pang kabutihan ng walkway ay konektado
rin ito sa mga sikat na shopping malls tulad ng Landmark, SM at Glorietta
Makati.
Kapag ikaw ay naka-rating na sa Greenbelt area mula sa walkway, hindi
mo na kailangang bumaba sa kalsada. Maaari kang pumasok sa Landmark,
at mula sa Landmark, puwede kang mag-punta sa Glorietta at mula naman
sa Glorietta, makaka-pasok ka sa shopping mall ng SM. At mula naman
sa SM, makaka-labas ka rin upang marating mo na ang MRT station. At
dahil sa lamig ng mga shopping malls, hindi ka maiinitan sa iyong
pag-lalakad.
ROXAS BOULEVARD / MANILA BAY PARK
Kami ay namasyal sa Roxas Blvd. at ako ay namangha dahil meron na
palang magandang park sa Manila Bay. Maraming mga maliliit na restaurant
ang naka-tayo doon kung saan meron pa silang kani-kaniyang banda at
sila ay umaawit at tumutogtog ng live. Ikaw ay malilibang habang kumakain
at pinag-mamasdan ang tanawin sa Manila Bay, araw man o gabi. Malamig
ang hangin ang iyong mararamdaman habang ikaw ay nag-lalakad-lakad
dito.
Ang mga ilaw sa bay park ay magaganda rin, iba-iba ang kulay nito
at parang pakiramdam ko, araw na ng pasko. Magaganda ang design ng
paligid at magagara din ang ceramic tiles sa bawat daanan. Merong
mga playground sa mga bata, fountains at may mga nag-babantay ng mga
pulis. Nakakatuwang mamasyal dahil maraming mga tao kahit madaling
araw na.
THE QUIAPO CHURCH AND UNDERPASS
Noong ako ay bata pa, kami ng aking Tatay ay laging nag-babakasyon
galing sa probinsiya papunta sa Quiapo, Maynila. Kami ay nag-lalakad
mula sa istasyon ng Philippine Rabbit sa may Carriedo at dadaan sa
simbahan ng Quiapo at sa underspass.
Kami ay laging tumatawid sa underpass ng Quiapo kung saan maraming
mga nag-titinda sa ilalim. Marami ding mga pulubi ang naglalagi doon
at mga illegal vendor na naka-harang kahit sa mga dadaanan ng mga
tao. Nag-kalat din ang mga mang-gagantso doon at mga masasamang loob.
Ang lugar ng Quiapo ay hindi nag-bago simula nang ako ay bata pa hanggang
mag-aral ako doon sa High School at isang taon sa College.
Nang ako ay umalis upang mag-trabaho sa ibang bansa noong 1998, hindi
pa rin gaanong nag-bago ang itsura ng Quiapo. Ngunit nang ako ay bumalik
pag-kalipas ng limang taon, ako ay humanga dahil gumanda na ang harapan
ng Quiapo Church.
Malinis na rin at maluwag ang underpass. Wala ng mga nag-kalat na
illegal vendors at mga pulubi. Nilagyan pa ito ng mga magagandang
ceramic tiles sa sahig at mga dingding. Kahit na sabi ng lahat, na
nakakatakot mag-lakad sa Quiapo, ako ay hindi naman naging bikitima
ng mga masasamang loob doon. Ngayon,sa palagay ko ay maaalis na ang
takot ng mga nag-lalakad sa Quiapo dahil sa palagay ko ay nabawasan
na ang mga masasamang loob na nag-i-istambay sa mga underpass.
********************************************
If you
think this article is worth reading and you'd like to feature in your
own website, newsletter, magazine or gazette, please ask permission
from the Administrator. Email Us at
admin@ofw-connect.com
Copyright©2004 OFW Connect
******************************************