Overseas Filipino Workers Non-Profit Advertisement - FREE
Have similar ads as
these? It's FREE to advertise here. Read
More Details
MAGKA-ISA TAYO, MAG-TULUNGAN AT MAGSAMA-SAMA PARA SA KINABUKASAN
NG ATING MGA KABATAANG PILIPINO!
Sa ngalan ng mga Member-Coordinator-Sponsor ng Kibaka sa buong daigdig.
SUMAPI SA KIBAKA-BAGUHIN ANG BANSA. LET US JOIN KIBAKA and CHANGE
OUR COUNTRY.
Email address: kibaka.canada@sympatico.ca
Our website: www.kibaka.org
PANAWAGAN
Sa lahat na mga Pilipino, na may malasakit pa sa ating bansa. Inaanyayahan
namin kayong lahat na makilahok sa pamamagitan ng pagpa-palista ng
ating mga pangalan bilang mga kasapi sa KILUSANG BALIK-KAAYUSAN (Sa
Kinabukasan ng Ating Mga Anak at Kabataan)
ANG SUSUNOD NA HENERASYON NG MGA BAGONG PILIPINO
ANG ATING MGA PANGALAN AY ATING GAGAMITIN UPANG magsama-sama bilang
mga “PILIPINO” sa isang layunin upang ating tawagan ng
pansin ang mga nanunungkulan sa pamahalaan na ibalik ang “KAAYUSAN-KARANGALAN
AT KABUHAYAN” sa ating Pamahalaan, sa Bansa at sa mga Mamamayan.
Unang layunin natin, ibalik natin ang KAAYUSAN sa ating Pamahalaan,
linisin, labanan at alisin lahat ng mga “Magnanakaw sa Ating
Pamahalaan”alang-alang sa kinabukasan ng ating mga anak at kabataan,
ng mga mamamayan at ng ating bansa.
Pangalawang layunin, ibalik ating “KARANGALAN” sa Pamahalaan
at sa lahing Pilipino. Sa pamamagitan ng katapatan sa tungkulin, sipag
at tiyaga, ng igalang ang ating lahi. Magka-isa bilang “Isang
Pilipino, Sa Isip, Sa Salita, sa Gawa”. Magsama-sama tayo.
Pangatlong layunin, isa-ayos ang “KABUHAYAN” ng bawa’t
pamilya sa ating mga baryo. Turuan at bigyan ng “HANAP-BUHAY
AT MAKAKAIN” ang lahat ng mahihirap. Magtayo sa mga baryo ng
Samahang Pang-Kabuhayan ng magkaroon ng hanap-buhay.
“GULAYAN SA MGA BAKURAN AT HAYUPAN SA MGA BARYO”
Maibalik ang dating kasaganaan sa lahat ng sulok at lugar sa ating
bansa, ng walang Pilipinong magugutom at maghihirap sa kanyang sariling
bayan.
Sa mga bayan at siyudad sa bansa, kailangang ipaliwanag sa mga kamag-anak,
kaibigan at mga kapit-bahay na dapat sumapi sa Kilusang Kibaka. Gisingin
ang isipan ng mamamayan Kailangang magkaroon ng mga “PAGBABAGO”
sa buong bansa. Labanan ang dahilan kung bakit tayo ay naghihirap.
“SAKIT NA LAGAY”, ang pumapatay sa ating bansa at sa mamamayan.
Winawasak at Sinisira ang Pag-Asa at ang Kinabukasan ng ating mga
anak.
Isabit sa bahay at tanggapan “ANG HULING PANAWAGAN” ng
malaman ng lahat ng tao ang tunay na dahilan kung bakit tayo at ang
ating bansa ay umabot sa ganitong kalagayan.
Sa lahat ng mga Pilipino sa lahat ng sulok ng daigdig, Dalawin ang
website: www.kibaka.org at kayo ay magpatala. Ang inyong mga pangalan
ay malaki ang magagawang tulong sa ating mga kabataan, mga mamamayan
at sa ating bansang Pilipinas. Tutulong ba kayo sa pagdadala ng pagbabago
sa ating bansa?