Ang Hiling sa Birhen ng Manaoag - SM Megamall Chapel
Summary;
During the old days, when we're not yet an OFW, we have made a special
prayer and a request to the Virgin Mary, from Our Lady of Manaoag,
we're glad because it was heard and granted...
**************
Isang araw kaming mag-pamilya ay namamasyal sa SM Megamall, kasalukuyan
pa lang nag-apply ng trabaho ang aking mister para sa ibang bansa
noon. Madalas kaming mamasyal sa Megamall kahit walang pera, wala
lang, palakad lakad at nag-papalamig. Doon kami sa 5th floor nag-i-standby,
malapit sa SONY Service Center kasi nag-ta trabaho doon ang ninong
ng aking anak...at isa pa, naroon kasi ang chapel na nasa hallway
pa lang noon, kung saan namin nakita ang Our Lady of Manaog.
Sa aming pag-lalakad, ay napadaan kami sa rebulto ni Mama Mary. Mayroon
doong donation box tapos may maliit na papel kung saan isusulat mo
yung hiling mo o dasal...So, gumawa kami ng sulat, ang hiniling ko
ay ito, sana manalo kami ng lotto para hindi na aalis ang mister ko
papuntang ibang bansa kasi talagang malulungkot kami pare-pareho.
Pero sabi ko kung sakali mang hindi kami manalo at yung makapag abroad
sya ang ibibigay niya ay sana maging matatag pa rin ang pag-sasama
namin kahit na maghiwalay kami, hiniling ko na lang na sana ay mag-ka
sama sama din kami sa ibang bansa pag-dating ng araw...
Tapos yun nga, hinulog ko na yung maliit na papel tapos kahit gipit
ay nag-abuloy kami ng P5.00...Pag-katapos ay nag-dasal saka kami umalis
na...
Mga ilang buwan ang lumipas, nag-katotoo ang aming hiling naka-alis
nga ang aking mister, taon ang lumipas ay nag-kasama nga kami ng aking
mister hanggang sa nakuha namin ang aming anak at nag-karoon ng pangalawang
anak noong 2002.
Sa tuwing kami ay uuwi, lagi naming hinahanap ang Our Lady of Manaog
na birhen doon sa dating lugar ng Megamall, para mag-pasalamat at
mag-dasal at mag-bigay ng donation uli kasi ay nagkatotoo ang aming
hiling pero di na namin nakikita...Mayroong chapel na nasa isang lugar
doon at wala naman doon na ang birhen...
Taong 2004 nang kami ay mag-punta sa Pag-Ibig Fund Building, first
time namin pumunta doon na magkasama kami ng aking asawa. Nakarating
na ako dati doon pero ako lang mag-isa, pero nang kami nga king mister,
nagulat kami dahil nakita namin doon ang birhen ng Our Lady of Manaog...ito
yung birhen na naroon sa SM Megamall noong taong 1995...
So, halos sa loob ng mag-sasampung taon, ang hinahanap namin na Birhen
ng Manaog ay hindi namin nakikita...Actually, palagi naman kaming
nagpupunta sa MAnaog Pangasinan, pero yung Birhen na yun na nasa Megamall
dati ang gusto sana naming makita ulit...
At nakita nga namin pagkatapos ng 9 na taon...natuwa kami nang makita
namin yun sa Pag-Ibig Fund Building, ganun pa rin ang kanyang istura,
medyo mukhang luma na nga lang...Mayroon pa ring katabing donation
box at saka papel para sa dasal o hiling...
Kami ay muling humiling at nag-dasal....pero secret di ko na sasabihin...pero
nag-kakatotoo na naman ang aming hiniling doon...nagbigay kami ng
donation,P100 ang aming binigay ngayon...
Sana muli naming makita ang Our Lady of Manaog, nang bumalik kami
sa Pag-Ibig Fund, last year, wala na ito doon, siguro ay nasa ibang
lugar na naman siya inilagay ngayon...