Ang Inggit Sa Kapwa, Crab Mentality ng mga Pilipino at ang Karma
THE ROOT CAUSE OF EVIL ACTS - ENVY
Sa lahat siguro ng masasamang ugali, ito siguro ang nag-uugat kung
bakit ang tao ay nakakagawa ng hindi maganda sa kanyang kapwa...kasi
kapag laging umiiral sa sarili mo, puso mo at utak mo ang inggit,
wala kang gagawin kungdi manira, hilain pababa ang iyong kapwa para
bumagsak ito at kapag mangyari ikaw ngayon ay tuwang-tuwa, mag-kwento
ng masasama laban sa kapwa (back fighter), makipag-isnaban (unfriendly),
mag-salita ng non-sense o makakasakit sa kapwa (nag-paparinig) at
maramin pang ibang mapapangit na gawa.
CRAB MENTALITY - BRINGING DOWN OTHER PEOPLE
Nang ako ay mag-abroad,marami akong natutunan. Lahat ng magagandang
bagay na nakita ko ay ina-adapt ko pero bakit kaya ang ibang mga kababayan
natin na kahit ilang taon na sa ibang bansa ay hindi pa rin mabago
ang mga pangit na ugaling Pilipino tulad nga ng Crab Mentality.
Nakakalungkot isipin na mas madalas, kaya ka napapahamak sa ibang
bansa ay dahil din sa kagagawan ng iyong kapwa Pinoy. Tulad halimbawa
ng pag-sumbong sa immigration kapag nalaman nilang TNT ka o Tago ng
Tago...OO, alam nating lahat na bawal yun o labag sa bansang USA at
iba pa, pero isipin mo na lang na pareho pareho lang naman tayong
umalis sa ating bansa nang dahil sa hirap ng buhay kaya isipin mo
na ang dahilan kung bakit nagagawa ng marami sa atin ang mag TNT ay
para mabigyan ng magandang buhay ang ating mga pamilya sa Pilipinas...kaya
kung naging maganda man ang buhay na nila ngayon ay huwag nating kainggitan
o ipahamak para muling mag-hirap o bumagsak.
GIVE GOOD ADVICE INSTEAD
Bakit hindi mo na lang siya pag-sabihan o bigyan ng payo o paalalahanan
at sabihin na illegal ang kanyang ginagawa, paalalahanan siya na baka
mapahamak siya at kung mag-kataon mas lalong kawawa ang pamilya niya
kapag pinauwi siya o makulong...dapat ganito ang ating gawin hindi
yung isusumbong mo pa ang mga kababayang lumalabag sa immigration...
Kahit may galit ka sa taong iyon, ipaubaya mo na lang sa Diyos, isipin
mo na lahat ng bagay na ginagawa mo, mabuti o masama ay palaging may
karma...Good or Bad Karma...isipin mo na kapag may ginawa kang masama
sa kapwa, babalik at babalik din sa'yo...
GOOD ACTS = GOOD KARMA / BAD ACTS = BAD KARMA
A story of Bad Karma
Katulad din ito sa isang Pilipino na mataas ang posisyon sa isang
kumpanya. Masyadong mayabang at mababa ang tingin sa ibang Pilipino
na under niya. Tingin niya sa sarili niya ay napaka-galing niya na
pero kung titingnan, nakapasok lang naman siya sa kumpanya na iyon
dahil siya ay malakas o may backer.
Halatang walang good moral character ang Pilipinong ito kasi makikita
mo naman iyon sa ayos ng kanyang pag-sasalita, pakikipag usap at pag-kilos...May
mga nag-iisip tuloy na baka hindi naman talaga siya nakapag-aral o
nakatapos sa kanyang propesyon, baka peke daw ang kanyang Diploma,
graduate daw sa Recto University...
At kahit mga respected people na ang nakakasalamuha niya halos araw-araw,
ewan ko ba kung bakit hindi niya na-a-adapt ang mga magagandang traits
na dapat niyang gayahin tulad ng pagiging professional, polite, kind
and friendly to anyone, wala pa rin siya, Pilipinong bastos pa rin
ang dating na parang tulad ng istambay na walang pinag-aralan kung
mag-aasta...
Ang mga nakapaligid sa kanya ay halos kamuhian siya pero dahil sa
mataas nga ang posisyon, syempre sunod na lang ang mga mababang Pilipino.
Wala ring respeto sa bagong pasok na kasama sa trabaho ang Pilipinong
ito kahit na mas mataas ang posisyon sa kanya. Katwiran niya ay mas
matagal daw siya sa kumpanya kaya dapat daw na siya pa rin ang mas
tingnan na mas mataas sa sinumang bagong pasok....
Mahilig din siyang manira kapag ikaw ay nakatalikod at mag-sumbong
sa mas mataas kapag nalaman niyang nag-kamali ka, ito ay para pag-initan
ka ng mga amo mula sa kataas-taasang posisyon. At kapag nalaman niya
na siya ay nahigitan mo, kung ano-ano ang lalabas sa kanyang bibig
na paninira at pananalitang halata mo naman na siya ay naiinggit.
Pero isang araw nagulat ang lahat, biglang naalis sa trabaho ang
Pilipinong ito. At syempre pa dahil marami nga ang naiinis sa kanyang
style na hindi maganda, marami ang natuwa...May mga hidden agenda
pala ang Pilipinong ito, umabuso sa kanyang posisyon at gumawa ng
hindi maganda sa kumpanyang nag-tiwala sa kanya. Pati ang taong tumulong
sa kanya para mabigyan siya ng magandang trabaho ay nais pa niyang
sirain ang pag-katao dahil idinawit pa niya ito sa kanyang kalokohan.
Nakarma siguro ang kawawang Pinoy na ito dahil sa mga pangit niyang
pakikitungo sa kanyang kapwa Pilipino. Walang naawa sa kanya o nanghinayang
noong siya ay inalis sa trabaho. Walang nag-tanggol sa kanya kahit
pa ang kanyang malalapit na kaibigan. Lahat ayaw madawit sa kanyang
kalokohan kaya siya ay iniwan o tinalikuran.
Umuwing walang dalahan ang kaawang-awang Pinoy. Marami pa naman ang
anak na pinag-aaral sa kolehiyo, may binabayaran na bahay at sasakyan
sa Pilipinas. Hindi pa siya nabigyan ng magandang recommendation kaya
nasayang ang maganda niyang posisyon na mag-dadala sana sa kanya para
siya ay makahanap pa ng mas magandang opportunity...
MORAL LESSON
Ngayon, ano ang aral? Walang gumanting mga kababayan niya sa kanyang
masamang pakikitungo sa kanila (kasi nga siguro boss siya eh)...pero
siya ay binalikan ng tadhana. Siya ay nakarma, kaya kung hindi natin
nais na magaya sa kanyang kapalaran, huwag nating pairalin ang INGGIT
o CRAB MENTALITY sa ating isip at pag-uugali na tulad ng kanyang ginawa.
At syempre iwasan ang gumawa ng hindi kanais-nais laban sa kumpanya
dahil tayo ay mga banyaga lamang sa ibang bansa. Kapag gumawa tayo
ng hindi kanais-nais,magiging napakapangit na ang tingin sa atin ng
ibang lahi. Maraming kababayan tuloy ang nahihiya dahil sa kanyang
ginawa...
WHAT SHOULD WE DO?
Imbes na tayo ay mainggit sa ibang asensadong tao, mas mabuti pa
na tayo na lang ay mag-sikap. Tulungan ang sarili at gayahin ang mabubuti
niyang ginawa kung bakit siya umasenso. Matuwa din tayo para sa kaniya
dahil sa mabuti niyang kalagayan sa buhay. Hindi yung kamumuhian natin
siya at iiwasan o ipapahamak. Tulungan din natin ang mga kababayang
nag-hihirap o nangangilangan ng tulong na walang inaasahang kapalit.
Huwag nating pag-aksayahan ng oras ang pakikipag-away o ang gumawa
ng hindi maganda sa ibang tao para lamang siya ay bumagsak. Sasakit
lang ang ating ulo kakaisip o kakakunsumi at kakatanong sa sarili
na bakit sila ay mas maswerte sa atin...o mag-isip o gumawa ng bagay
kung papaano natin sila pababagsakin...Lahat ng masasamang balakin
at iniiisip mo laban sa kapwa ay non-sense...nag-sasayang ka lang
ng oras ng buhay mo, wala kang mapapala kungdi karma o malas sa buhay
at mga wrinkles sa iyong mukha.
Mas masarap ang pakiramdam kapag maraming mga taong natutuwa sa'yo,
kapag marami kang kaibigan, kapag marami kang blessing at kapag hindi
ka nangungunsumi sa buhay ng iba para siya ay pabagsakin...