Sa Tuwing Uuwi Para Mag-bakasyon 2 - (Kapag nasa Maynila)
Kapag nasa Maynila kami para mag-lakad ng mga papeles pabalik sa
ibang bansa tulad ng POEA's Employment Overseas Certificate, o Reduced
Travel Tax para sa ticket ng aming nga dependant children at Visa
kung kinakailangan at iba pang mga bagay tulad ng pamimili sa mga
malalaking malls, narito naman ang madalas kong gawin habang nag-lilibot
o nag-bibyahe sa Kamaynilaan...
ANG MANGA AT BAGOONG
Kapag nasa lansangan na, palagi akong nag-hahanap ng tindang Manga
na hilaw tulad ng Piko at Kalabaw, at kahit sabi nila marumi ang tinitindang
bagoong alamang na libre, sige pa rin ako na kumakain ng manga na
may sawsawang bagoong alamang...at dahil sa hindi ko mapigilan ang
katakaman sapag-kain ng paborito kong prutas, kakainin ko ito habang
nasa daan at kahit umagang-umaga o kahit hindi pa ako kumakain ng
kanin at ulam sa katanghalian, kumakain din ako ng maasim na mangga
kahit habang ako ay lumalakad. Madalas ako ay pinag-titinginan ng
mga tao, pero ako ay walang paki dahil talagang napakasarap ng mangga...
ANG SIOMAI, SAGO'T GULAMAN NA PALAMIG AT MGA PAG-KAING PILIPINO
Ang susunod na balak ko namang kainin ay ang Sio Mai, nakakakain
naman ako nito sa ibang bansa, pero syempre mas mura sa Pilipinas
at mas masarap ang sawsawan, pagkatapos sabay inom ng sago o iba ibang
falvor ng palamig tulad ng gulaman, buko, melon at iba pa na mabibili
sa tab-tabi ng kalsada, himpilan ng sasakyan at sa MRT. Hmmm, yummy
talaga. Isang beses ay gumastos ako ng halos P200 mahigit dahil lamang
sa pag-kain ng Siomai...kung nasa Pilipinas ka, masyadong mahal ito,
mabuti pang bumili ka na lang ng isang kilong karne para mas marami
pa ang makakain...
Palagi din kaming kumakain sa Greenwich, simple lang kasi ang timpla
ng pizza na ito...medyo mura pa. Masarap ding kumain sa Chowking,
lalo na ang halo-halo, at syempre ang chicken joy ng Jollibee. Sa
mga pag-kaing pinoy naman, sa Goldilocks ang paborito naming kainan,
paborito ko mula sa Goldilocks ang pag-kaing Lumpiang Sariwa at Sago
Gulaman...ito ang palagi kong kinakain tuwing dadaan sa Goldilocks...
Madalas din kaming mapadaan sa Lydias Lechon at sa Maxx Restaurant...PMasarap
ding mapadaan sa Goto King apra kumain ng Goto o Lugaw.ero walang
sasarap sa luto ng aming kamag-anak kapag kami ay nasa bahay lalo
na sa probinsya...
Kapag almusal naman, palagi akong bumibili ng napaka-init na pandesal,
amoy pa lang ay ako parang nabubusog...madalas P20 - 30 na pandesal
ang nakakain ko tuwing uuwi sa Pilipinas, ito ay kahit walang palaman...at
dahil sa init naman sa katanghalian, tuwing kakain, hindi nawawala
ang inuming coke kaya tuwing babalik sa ibang bansa, ako ay talagang
lumulubo sa kakakain at kakainom ng soft drinks...
ANG MRT AT LRT SA MAYNILA
Noong wala pa ang MRT, napakaluwag ng EDSA, masarap ang simoy ng
hangin, lalo na noong hindi pa masayadong marami ang mga sasakyan.
Ngayon, lumiit at sumikip ang EDSA dahil sa MRT...pero malaki ang
nagawa ng MRT, hindi na masyadong traffic kahit rush hour, kaso sa
MRT ka naman maiipit kapag dito ka sumakay.
Maganda ang MRT, kahit ilang taon na ito simula ng paandarin, hindi
pa rin mukhang luma ang MRT, walang mga vandalism at talagang malinis
ang loob at sahig...kaso nga lang, kapag rush hour, halos mag-siksikan
ang mga pasahero at mukha talagang mga sardinas ang mga tao sa sobrang
sikip...pero okay lang sa kanila basta makarating lang agad sa pupuntahan...
Natutuwa rin ako sa pag-kakaroon ng MRT dahil konektado ito sa ibang
Malls tulad ng Shangrila, Araneta Center, SM Makati sa Ayala at sa
isang maliit na department store sa Taft Ave. Kapag may pupuntahan
ka sa Manila at sasakay ng LRT 1 , mula sa Taft Avenue, mag-lalakad
ka na lang para pumunta sa istasyon ng LRT 1...at kapag ikaw naman
ay nasa LRT 1 at nais mong pumunta sa Cubao, maari kang bumaba sa
Carriedo o sa Recto para sumakay naman sa LRT 2. Napakaganda rin ng
LRT 2, mas malaki ito kesa sa MRT at LRT 1. Mas maganda din ang design
ng rail station, malinis din at malamig...
Sa LRT 1 naman, lagi kong naalala noong ako ay bata pa sa tuwing
makikita ang unang rail transit. Noong buhay pa si Tatay, madalas
niya akong isama mula sa probinsya papunta sa aming kamag-anak sa
Maynila,ginagawa palang noon ang LRT 1, nag-tataka ako kung ano ang
napaka-habang tulay na iyo sa itaas ng aking ulunan tuwing mag-lalakad
mula sa istasyon ng Philippine Rabbit Bus line...ito pala ang LRT
na mula sa Baclaran papunta sa Monumento, Caloocan.
ANG MGA SHOPPING MALLS
Ang mga paborito kong bilhan ng mga damit at gamit ay ang SM Megamall
o iba pang branch ng SM Department Stores tulad ng sa SM Cubao, Makati,
Manila at sa SM Mall of Asia...Paborito ko ring puntahan ang Landmark
sa Ayala at Gateway sa Araneta Center.