Sa Tuwing Uuwi Para Mag-bakasyon 3 - (Pauwi ng Probinsya)
Masarap din ang pakiramdam kapag uuwi kami ng probinysa, medyo malayo
at matagal ang biyahe pero enjoy na enjoy namin ang aming pag-sakay
sa mga bus tulad ng Victory Liner, Partas, Five Star at Philippine
Rabbit...
ANG MGA PROVINCIAL BUS
Pero paborito naming sakyan ang Victory Liner o Five Star dahil comfortable
ka talaga sa iyong upuan. Kung minsan, kami ay pumipili na sumakay
sa mga De Luxe na sasakyan..ito yung bus na hanggang 24 lang ata ang
pasahero at ang iyong upuan ay talagang malaki o malawak na pwede
mo pang ihiga pero hindi ka makaka-istorbo sa ibang pasahero na nasa
likuran.
Dire-diretso din ang biyahe dahil hindi sila nag-sasakay ng mga pasahero
na nag-hihintay sa iba't-ibang lugar. Kaya sasakay ka lang sa mga
De Kuxe na Bus kapag ang biyahe mo ay diretso sa routa nila o malapit
na roon. Pero dahil sa mabilis ang biyahe, hindi rin ito madalas huminto
sa mga bus stop.
ANG MGA PAG-KAIN SA MGA BUS STOP
Gustong-gusto ko pa namang humihinto sa mga bus stop kung saan makakabili
ka ng mga nilalako tulad ng chicharong baboy o baka, itlog ng pugo,
barbecue na hotdog at baboy, mais na inihaw, nilagang mani, pritong
mani o cornick, balot, buko pie, tupig at mga pastilyas tulad ng macapuno.
Tuwing mag-bibiyahe pauwi sa probinsya, ito ang madalas kong binibili
sa daan...kung minsan, mas malaki pa ang nagagasta ko sa pagbili ng
mga pagkain na ito kesa sa aking pinamasahe dahil na mimiss ko talaga
ang mga ganitong pag-kain sa Pilipinas.
ANG MGA BUKIRIN, LUPAIN AT KAPATAGAN
Napakasarap din sa pakiramdam habang tinitingnan ko ang mga kapaligiran
habang nag-bibiyahe ang Bus...tulad ng mga nag-lalakihang billboard
sa North Luzon Express Way, mga bukid sa bandang Bulacan, Pampanga
at Bataan. Ganun din ang mga malalawak na taniman ng Mais o Tabako
sa bandang Tarlac, Nueva Ecija at Pangasinan. Ang pag-biyahe papunta
sa Olongapo City kung saan ang iyong daraanan ay matarik na zig-zag
road tulad ng Baguio City. Nakakalibang ding makita ang lugar ng Cavite
, lalo na ang pag-punta sa Tagaytay.
ANG MGA SIMBAHANG PINAPASYALAN
Tuwing uuwi rin, ang mga simbahan na aming dinadalaw para mag-pasalamat
ay ang Simbahan ng Quiapo, Baclaran at ang Manaog sa Pangasinan. Masarap
mamasyal sa Manaog, palagi kaming nag-sisimba sa Manaog Church tuwing
uuwi. Madalas kaming mamimili ng mga pag-kain doon tulad ng Tupig,
Puto at Kutsinta.
ANG MGA PAG-KAING LUTO NG AKING BIYENAN
Noong buhay pa si Tatay Pabling, ang aking biyenan na lalaki, sa
kanyang luto lang ako natutong kumain ng gulay na hindi ko alam kainin
noon tulad ng Ampalaya, Labong, yung parang damo sa tabi-tabi ng kalsada
(forgot ko tawag dun)..., Saluyot at Okra. Pero dahil sa napakasarap
niyang luto na Kapampangan at Ilokano, nahilig ako kumain ng ganitong
gulay lalo na kung may kasamang inihaw na bangus.
Lagi kaming nag-papaluto sa kanya ng Papaitan, Dinuguan, Kinilaw
na Kambing, Afritada, Binagoongang Baboy, Diningding, Pinakbet at
marami pang iba. Madalas din naming kainin sa probinsya ang sinabawang
tulya na napakaliit pero napaka-lasa tuwing iyong kakainin at iinumin
ang sabaw nito.
Napakasarap din ng bangus na mula sa Dagupan lalo na kung inihaw
sabay sawsaw sa isdang bagoong na may kamatis at sibuyas o sukang
may sili...o di kaya ay bagoong alamang naman. Napakasarap ding ulamin
ang tinolang manok na native na may gulay ng malunggay,masarap din
ang luto niya na la paz batchoy at sinigang na baboy....hmm yummy
talaga...
ANG BAHAY KUBO NI NANAY
Sa lugar naman ng aking magulang, masarap din ang aking pakiramdam
kapag naroon lalo na kung ako ay mapapaupo sa bahay kubo na nasa labas
ng bahay ng aking Nanay, napakasarap mahiga doon at mag-pahinga at
kung di lang malamok, napakasarap ding matulog sa bahay kubo na ginawa
ng aking step father. Masarap din ang makipag kwentuhan sa aking mga
kamag-anak tuwing uuwi. mag-kainan at mamasyal.
Ito ang aking mga nami-miss sa tuwing ako ay nasa ibang bansa na...