Suggestion for the benefits of OFWs
An email message for the President of the Philippines
(sent
on July 2004, first acknowledgement by the OP was on August 2004,
and the second acknowledgement from OP, OWWA and POEA was on October
2004)
Ang Pruweba na ito nga ay natanggap - Furnish copy
of Referral Letter for the Office
of the President from OWWA, and also from OWWA
to POEA
Ang sulat na ito ay
tungkol sa mga bagay-bagay na maaring makapag-bigay ng karagdagang
benepisyo para sa mga OFWs. Ito ay hindi lamang nag-mumula sa aking
sariling opinyon o kagustuhan, ang mga bagay na nilalaman nito ay
mula sa aking mga kapwa OFWs na nakilala (kaibigan man o hindi) na
may nais na iparating sa kinauukulan. Para sa mas madaling pag-lalahad,
akin na lamang pina-ikli (summarize) ang aking pahayag para sa mambabasa
ng website na ito...
Ang Maikling Pag-lalahad ng sulat
Matapos na mailigtas ang ating kapwa OFW na si Angelo mula sa kamay
ng mga militia sa bansang Iraq, ako ay nag-suggest sa ating kinauukulan
na sana kahit hindi nababalita ang mga mga OFW na may mga problema,
lagi sanang handang tumulong at dumulog ang ating gobyerno at mga
kinauukulan tulad ng OWWA, POEA at iba pa.
Mula sa aking sariling suhestiyon, ako ay humiling rin na sana ang
binuong Special task Force ng ating gobyerno laban sa Illegal Recruitment
ay mag-karoon ng website upang mas madaling maidulog ang mga hinaing
ng mga OFWs laban sa mga illegal recruiter.
Mula naman sa mga hinaing ng aking kapwa OFW (actually, hindi pa
sila OFW dahil sila ay naloko ng mga illegal recruiter at hindi man
lang nakapag-trabaho sa ibang bansa), nalaman ko rin na sila ay nag-babayad
ng napaka-mahal na placement fee, kung saan ang tanging tulong lamang
na naibigay ay lakarin ang kanilang mga passport at paalisin sa bansa
via Zamboanga na walang EMPLOYMENT VISA. Sila ay gumagastos ng mula
sa P35,000 pataas na wala namang trabahong daratnan sa ibayong bansa.
Dahil sa sila ay naloko ng mga illegal recruiter, ang mga kawawang
Pilipino ay nag-over stay sa ibang bansa na walang ka-pera-pera, kaya
kadalasan sila ay napipilitang humanap ng trabaho (prostitute jobs
common for women) kahit sila ay walang mga permit na hahantong lamang
sa pag-kakakulong at iba pang problema.
Ang isa sa aking na-i-suggest dahil dito (mula sa aking sariling
opinyon) ay ang pag-kakaroon ng FREE CALL or TOLL FREE International
Call kung saan ang may mga problemang OFWs (Mga dokumentado man o
hindi) ay madaling makakahinge ng tulong mula sa ating mga opisyales
na mula Philippine Embassy, OWWA, POEA at sa kahit ano mang agency
na may kinalaman sa mga OFWs o mangagawang Pilipino.
Ako rin ay nag-bigay ng isa pang suhestiyon (mula sa aking sariling
opinyon) na sana ang mga OWWA Funds ay gamitin din upang matulungan
ang mga Pilipinong nag-nanais na mag-abroad dahil ang bilyon-bilyong
OWWA Funds ay hindi naman nagagamit ng mga OFW na humahantong lamang
sa hindi makabuluhang pag-gasta (na ayon sa balita ay na-ko-corrupt
lamang).
Ako rin ay nag-bigay ng suhestiyon (mula sa aking sariling opinyon)
na sana ang mga importanteng impormasyon na may kinalaman sa mga OFWs
ay ipamahagi sa pamamagitan ng leaflets na ikakalat sa lahat ng major
exit airports/seaport. At sana ito ay maging available, hindi lamang
sa salitang Tagalog at English, kundi sa mga native dialects din tulad
ng Tausug, Cebuano at iba pa.
Ang isa pang suggestion (mula sa hinaing ng aking kapwa OFWs initially
from Brunei) na aking isinulat ay ang pag-baba ng halaga ng mga dokumento
na ating kinukuha mula sa mga embassy tulad ng passport, Affidavit
of Support at iba pa. Na sana ang halaga ng mga ito ay ibase sa average
salary ng mga OFWs sa bawat bansa.
Dahil ang kinikita ng mga OFW ay hindi pare-pareho. Sa America ang
kadalasang suweldo ng mga Pilipino doon ay umaabot sa mahigit na U$2000
o higit pa bawat buwan, samantalang sa ibang bansa tulad sa Brunei
ay nag-kakahalaga lamang ng U$100 - U$500, ngunit ang pag-babayad
sa mga passport at iba pa ay fixed o di nag-iiba kaya para sa mga
maliliit ang suweldo, ito ay mabigat para sa kanila.
Ito lamang ang aking
paunang naisulat, ako muli ay susulat sa susunod na panahon at idudulog
ang mga problema ng OFWs na aking naririnig at nababasa (mula sa aming
Forum or Email)...