Opinion and Comments on Some Issues and Current Events
and other Miscellaneous Topic
> 3
MEASURES TO REDUCE RED TAPE AND CORRUPTION IN THE BUREAUCRACY
(Dec 26, 2003 news article)
Hindi maaalis ang corruption at redtape pero sana man
lang ay mabawasan ang mga ito para hindi masayang ang budget ng ating
gobyerno para sa pag-dedevelop ng ating bansa.
My Comments to the quote below;
- acquisition of goods, supplies and materials through
the Procurement Service of the Department of Budget and Management;
Okay yan para hindi mag-over pricing ang mga contractors
and government project coordinators. Isa pa para madetermined mabuti
kung mag-kano at ilan lang ang dapat na magagastos para sa materials
and labor na kailangan.
- posting of flowcharts at the lobby of government
agencies with
frontline services showing the processes and steps in business transactions;
Sang-ayon din ako dito, actually kaya ko ginawa ang
website na ito ay para maipaalam sa karamihan kung ano-ano ang tamang
pamamaraan o dapat na kailangan kung tayo ay mag-lalakad ng ating
mga papeles from govt offices...
Kapag nag-lagay tayo ng mga processing information na
ito sa lahat ng mga govt offices, hindi na basta-basta maloloko ang
mga applikante or govt clients.
Hindi na rin kung ano-ano ang hihingiin sa atin ng ibang
quite bad civil servants at hindi na tayo basta mahihirapan.
Yung iba kasing mang-loloko ay
kung ano-ano ang hinihinge sa mga tao, pinahihirapan nila at pinapagod,
kapag napagod ang tao at nainis ay sasabihin na lang ng mga corrupt
na ipalakad. Kasi kung ipapalakad ay may kikitain din sila.
Ang una kong napuntahan na merong ganitong magandang
sistema ay ang Department of Tourism. Bago ka pumasok sa loob ng "Travel
Tax" payment office, nakalagay sa wall ang mga instructions kung
papano mag-avail ng reduced travel tax, about paying and other info...
So, kaya kahit first time lang namin mag-punta doon
to do the transactions with them, hindi kami masyadong nalito...
Kapag merong mga ganitong instructions ay nababawasan
pa ang oras ng processing dahil hindi na kailangan pang mag-paliwanag
ng mg clerk sa mga tao tungkol sa pag-kuha o pag-avail ng mga services.
Actually, nag-tanong pa nga kami para sigurado, pero
itinuro pa rin nila kami na basahin ang instructions sa labas. Kaya
akala namin ay matagal pero wala pang 30 minutes ay naka-uwi na kami.
And then I notice, na walang mga fixers sa labas, o
kung ano anong mga binibenta , 'di tulad sa DFA ng kumuha kami ng
passport namin year 1998, na napakaraming fixers sa labas ng gate
, ganun din sa NSO.
Kami ay nag-tataka kung bakit hinayaan lang ng mga tiga
DFA at NSO authorities na mag-kalat ang mga fixers dun sa labas ng
gate.
Mabuti kami ay alam na namin ang mga tactics ng mga
mang-loloko kaya kahit may nag-tatawag sa amin na doon daw kami sa
may "karinderya" kumuha ng passport ay hindi kami nakinig,
dumiretso pa rin kami sa loob ng DFA.
Ang mga naloloko lang mga mang-loloko na ito ay ang
mga nang-gagaling ng probinsiya at ang mga first timer applicants.
So, suggest ko rin sana na mag-karoon
ng PUBLIC LIBRARY with Internet connections like in Canada. Philippine
Government Websites has almost everything
that Filipino people should know, pero walang kuwenta ang mga impormasyon
na yun kung hindi nalalaman ng mga tao.
Mas marami sa atin ang hindi kayang bumili ng computer
at mag-pakabit ng internet, so sana mag-labas ang govt ng pondo para
dito. At dapat ang mga taong gagamit ay maging disiplinado naman,
gamitin lang ito sa mga importanteng bagay tulad halimbawa ng ng mga
instructions kung p'ano mag-avail ng govt services, documents, certificates
etc.
And also, when it comes to obtaining information about
education and jobs. To send email to complain rogue public officials,
corrupts, criminals, cons and cheaters.
- reduction of signatories and processing time of various
clearances,
licenses and permits, even reducing signatories by half, in a number
of agencies;
Tulad nga ng nasabi ko sa itaas, kapag nag-lagay tayo
ng mga instructions (should be COMPLETE and REGULARLY UPDATED please),
mapapabilis ang processing.
Ang isa pang complain ng mga ibang Pilipino from abroad
ay ang mga kinakasal na dito. Kailangan nilang kumuha ng affidavit
sa embassy to secure the supposed to be married couple's birth certificate
from NSO, and then they've also asked that the NSO certification will
be validated by the Malacanang Office.
Hindi ko sigurado kung ganito pa rin hanggang ngayon
pero kung meron pa ring ganyang sistema, ay NAG-SASAYANG LANG TAYO
LAHAT NG ORAS.
Ano pa ang GAMIT ng NSO Certification
kung kailangan pang ipa-validate sa Malacanang? Doble pagod at bayad
lang, isa lang naman ang purpose, huh!
Second, it issued Executive Order 109 which streamlined
rules and procedures on the review and approval of all government
contracts, considerably cutting the time for processing.
Dapat talaga ay imbestigahan mabuti ang lahat ng govt
projects, lagi ninyong checkin kung ano-ano na ang progress ng project.
Napakaraming proyekto ang nasayang dahil naumpisahan
pero hindi natapos dahil ang budget ay nakurakot na...
Dapat ang mga in-charge sa govt project ay imbestigahan
at parusahan kapag gumawa ng kalokohan, sa atin kasi ay binbale-wala
lang. Idedemanda pero napakahaba ng panahon para madesisyonan, kaya
ang pinag-hihinalaan ay nakakatakas at nag-papakasarap muna sa buhay
bago makulong o maparusahan.
Third, it reduced by half the processing time of employment
contracts
and accreditation of land-based workers and established the Philippine
Seafarer’s One-Stop Center designed to provide frontline services,
including quick documentation to seafarers in connection with their
overseas employment.
Dapat talaga ay maimplement ito para mabawasan ang mga
nalolokong New Applicant for overseas employment. Tulad halimbawa
ng mga manlolokong recruitment agency.
Although the Recruitment Agency is authorized
by POEA, there are still many of them who cheats Filipino Workers.
How? If the Filipino Workers secured assistance from other Recruitment
Agency, they're offering the worker his dream job. But by the time
that the OFW reached other country, that's the only time he'd realized
that his DREAM JOB ISN'T REALLY IS....And the SALARY that the Recruitment
Agency have told to worker/s ISN'T REALLY THE REAL SALARY..
This cheaters have asked the POOR OFW to pay so much Placement FEE
before the OFW leaves but when the OFW received his whole year salary,
it's not even enough to pay that cheater's PLACEMENT FEE charges incurred.
These CHEATERS thought everybody who works abroad receives HIGH-SALARY,
these cheaters should go for work abroad as well (if they think like
that), so that they're not going to target (and CHEAT) poor Filipino
Workers who only BORROWS money just to have something to pay for pre-departure
charges and expenses including the overcharge PLACEMENT FEE.Grrrrrrrr!
Sana ang POEA na lang ang babayaran ng mga existing OFW or New applicants
placement fee to work abroad. And then, ang POEA ang mag-babayad sa
mga agency na ito. Yung OFW na umalis abroad ay mag-reremit na lang
through salary deduction, it's either remit via bank or pay directly
to Philippine Embassy overseas.
Vice Pres.
Teofisto Guingona's proposal for OFWs is to buy the Postal Bank,
which should be okay...and then every OFW or newly applicant for work
overseas ay mag-bubukas ng account para sila ay mag-karoon ng credit
card , like yung OFW Card where you can use to purchase goods from
abroad. Pwede rin nating gamitin ang card na ito para mag-bayad sa
POEA and OWWA Membership.
And then sana ang POEA ay magkaroon ng unit na checkin ang job offer
from overseas kung yun nga ang nakalagay. Marami ang nalokong Pilipino
dito ng mga authorized pa naman ng POEA, sabi ng mga cheater na recruitment
agency na ito ay, Accountant daw sa Restaurant pero pag-dating dito
sa Restaurant nga pero, hindi pala accountant kung hindi helper lang.
Tapos hindi totoo ang suweldo na nakalagay sa kontrata...GRRRRR talaga...Kawawa
naman ang ibang kababayan natin dahil tulad ng kakilala namin, ang
nasingil sa kanya ay halos Php 75,000 pero dapat ay isang buwan lang
na suweldo niya ang dapat na bayaran which is about Php 15,000 lang.
Ang ibinayad niya sa mga cheaters na yun ay ang naipon niya sa pag-abroad
din at utang ang iba. Kahit matapos ang kontrata niya ay hindi niya
mababawi ang naibayad niya sa mga cheaters na yun!
Tapos ang isinulat lang sa RESIBo ay PHP10,000!
Iyun siguro ang ipapasa nila sa POEA! Attention POEA, tiga ILO-ILO
ang agency na ito eh...Ayaw lang mag-salita ng kaibigan namin
dahil KAKILALA pa niya ang mga taong yun!
Gusto niyang mag-backup pero hindi niya nagawa, papano ang sabi sa
kanya ay mababawasan daw ng Php25,000 ang naibayad niya na...GRRRR,
mga CHEATERS talaga...!
At ang sabi pa, MASUWERTE pa rin daw ang kaibigan
namin dahil ATLEAST hindi daw siya NAPEKE! Hindi nga NAPEKE pero NALOKO
pa rin!
Kaya attention to other OFWs or yung mga nag-babalak mag-abroad,
make sure you know what you're doing, signing and talking before accepting
job contracts from abroad...
Huwag tayong basta-basta PAUUTO dahil pare-parehas
lang tayong mga Pilipino...Kapwa Pilipino lang ang NANG-LOLOKO sa
atin, kapag nasa ibang bansa tayo ay puwede pa na tumahimik na lang
dahil wala tayong gaanong laban kapag niloko tayo ng ibang lahi. Pero
nasa sariling bansa pa tayo kaya huwag matakot na labanan, i-complain
at i-report ang mga manlolokong AGENCY...
Kahit kayo ay naka-alis na, puwede niyo pa rin silang isumbong....kailangan
lang natin ay Determinasyon. Kaya tayo ay hindi kaagad umaasenso,
madali tayong sumuko o bumigay sa mga problema.
MUST check this >>> Philippine
Overseas Employment Agency (POEA) Tips Against Illegal Recruiter
It has also encouraged local government units to reduce
red tape by
establishing One-Stop Shops, Customer Complaints Desks and improved
Civil Application Systems in 113 cities, more than 35 capital towns
and municipalities in growth centers and more than 100 other municipalities.
Yes this is a good one, pero dapat ang mga itatalagang
officers sa mga complain desks na ito ay dapat merong DISIPLINA...
Kaya nag-babayad ng lagay ang mga tao ay dahil mahilig
ang ibang public servants na PAHIRAPAN ang mga taong nangangailangan
ng tulong. Pinababalik balik at kung ano-ano
ang hinihinge na hindi naman talaga kailangan.
Imbes na sabihin sa tao ang TAMA at DAPAT na gagawin
para masolve ang problema ng filipino citizen, ay lalo pang ililigaw
at i-di-discourage...
Sasabihin pa na huwag na silang mag-aksaya ng oras dahil
walang makikinig sa complain nila. Wala daw mag-iintindi sa kawawang
complainant dahil MAG-ISA lang siya.
Dapat kahit mag-isa lang ang nag-complain or maliit
na grupo lang, dapat pakikinggan din ng gobyerno!
TAMANG DISIPLINA LANG ANG KAILANGAN
NATIN, PARA HINDI NAMAN TAYO MATAGURIANG MOST CORRUPT NA BANSA SA
MUNDO...Kakahiya na, habambuhay na lang ba tayong mag-bibingi-bingian
sa mga pintas sa atin?
and
Ipakita natin na kaya nating patakbuhin ang ating bansa
ng maayos.
Dahil Matatalino ang mga Pilipino kaya lang hindi natin
GINAGAMIT kung minsan sa MABUTING paraan.