Go Back to OFW Connect Main - Informative Website for Filipino Overseas Workers - Web Directory, Forum, Free Ads, Picture Gallery, Advice and Help, OFW News, Stories and Articles

Post your Resume and Find Jobs at Monster.com

This is the old page for articles under the following categories.....
OFW Information, OFW Articles, OFW Stories, About Philippines, Travel Information, OFW News, Migrant News, Career Articles, OFW Advice & Help, Affiliates Links, Free One Page Ads and OFW Links

FOR THE RECENT AND MOST UPDATED ARTICLES, ALWAYS CHECK THE MAIN SITE OF OFW-CONNECT.COM

 

PAYO SA MGA BALIKBAYAN-BALIK-TIRAHAN SA ATING BANSA

Mula sa KIBAKA - Kilusang Balik-Kaayusan sa kinabukasan ng ating mga anak at kabataan, Ang Susunod Na Henerasyon Ng Mga Pilipino

Email address: kibaka.canada@sympatico.ca
Visit our website: www.kibaka.org to register and join

Sapagka’t sa ngayon ay ang KIBAKA ay umaabot sa lahat ng bansa, madami ang nagtatanong sa amin na mga kababayan natin na gustong Magbalikbayan o Magbalik-Tirahan sa maraming siyudad, bayan at baryo sa bansa.


Ang mga magbabalik na kababayan na permanente ng uuwi ay nagtatanong ng mga tulong upang sila ay madaling mapasali sa galaw ng buhay sa atin. Kaya kami sa KILUSANG KIBAKA ay gumawa ng mga mahalagang mga hakbang na dapat malaman ng ating mga kababayan. Ito ay buhat sa mga karanasan ng maraming naunang bumalik sa atin.

SA MGA BALIKBAYAN LAMANG

Halos lahat ng ating mga kamag-anak, kapit-bahay at mga kaibigan ay naniniwala na tayo buhat sa ibang bansa ay mayayaman na at ang ating salapi na dolyar na ating kinikita ay pinupulot lamang natin dito. Hindi natin sila masisisi sa dahilang tayo na din ang mga may kasalanan. Sa kagustuhan nating maipakita na tagumpay tayo sa ibang bansa, hindi natin sinasabi ang katotohanan na kadalasan ay dalawa ang ating trabaho, upang mabuhay ng masagana dito sa ating bagong bansa na nilipatan.

Na ang ating ginagasta sa pagba-balikbayan ay inutang lamang sa credit card at pagta-trabahuhan upang mabayaran sa ating pagbabalik. Maraming pasalubong na dala, galante sa pag-gasta sa mga kamag-anak, kainan sa umaga, sa tanghali, inuman sa hapon, hapunan sa gabi. Walang tigil ang dating ng mga kamag-anak na sumasalubong. May gustong mangutang, manghingi ng pera, masama ang loob pag natangihan mo. Sa iyong pagbabalik, masakit ang iyong ulo, baon ka sa pagka-kautang. Hindi bale ito, sikat ka naman, bilib ang lahat sa iyong tagumpay.

SA MGA PERMANENTENG MANINIRAHAN SA BANSA

Naririto ang inyong mga dapat na malaman sa matagumpay na pamumuhay. Pakiusap namin, mangyari lamang na kami ay sabihan sa pamamagitan ng email kung ito ay mga tama na nakatulong sa inyong pagbabalik at kung mayroon kayong maidadagdag na karanasan upang aming isama sa mga payo dito.

Ang unang pinaka-mahalagang inyong dapat na gawin matapos maisa-ayos lahat: MANGHINGI KAYO NG “DALAWANG ASO” NA INYONG AALAGAAN Ito ang inyong magiging matapat na TANOD na hindi ninyo kailangan bayaran. Libangan na maturuan ni “MISTER” sa loob--labas ng bahay.

Ang pangalawang mahalagang dapat na inyong ipundar sa bahay. Libangan naman ni “MISIS” magtanim ng halaman. Mga gulay sa paligid ng bakod, sa paso at likod ng bakuran. Makatitipid sa bilihing pagkain, malinis na walang bomba ng gamot. Sa mga bakod: upo, patola, bataw, sigarilyas na gumagapang. Sa mga paso at likod ng bakurang halamanan, itanim kailangan sa araw-araw sili, luya, kamatis, talong, okra, kamote, papaya, saging, kalabasa. Madaling magsitubo, mahihingi ang mga buto sa kapit-bahay o munisipyo. Magdadala ng kulay sa inyong paligid, makikitang halimbawa ng inyong mga kamag-anak, kapit-bahay at kaibigan, pagsisimulan ng usapan at kilusan simula ng inyong pagtulong sa pagdadala ng pagbabago sa inyong paligid. Pag-uusapan, maka-hihikayat sa ibang pamilya na magsimula ng kanilang taniman. Matatahimik ang inyong lugar na tinitirahan dahil sa sagana sa pagkain.

Ang pangatlong mahalagang halimbawa, magdadala ng ulam sa hapag kainan. Mag-alaga ng mga manok na sariling atin, upang makuhanan ng itlog sa araw-araw. Magpagawa ng isang kulungan, pakakawalan ng inyong mga manok na aalagaan, Lagyan ng pugad na itlogan, palakihan ng mga bagong pisang inakay. Matapos ang 3-5 buwan lamang, may itlog ka, may manok pang makakain.

Sumapi sa mga samahang sibiko, ipakita ang iyong gulay at halaman at mga manok. Makipag-ugnay sa mga paaralan sa baryo, magtatag ng mga samahang “COMMUNITY GARDENING SA MGA LUPANG WALANG TANIM” anyayahan ang mga kabataang mga naka-istambay at walang ginagawa masisinop sila, matuturuan ng SIPAG AT TIYAGA kailangan nila upang mabuhay.

MALAKING TULONG ANG INYONG MAGAGAWA SA LUGAR NA INYONG TINITIRAHAN NA BARYO O BAYAN RESPEKTO SA INYO ANG MAGIGING KAPALIT NITO HINDI KAYO LALAPITAN UPANG HINGAN NG TULONG NA SALAPI DAHIL MAY MAIPAKIKITA KAYONG MAARING PAGSIMULAN NG PAGKAIN SA PAMILYA AT PAGKAKAKITAAN SA LABIS NA AANIHIN KUNG ITO AY PAMAMARISAN NG MGA MAHIHIRAP DITO.

BUMALIK SA ATING BANSA “BAGUHIN” ANG BUHAY NG PILIPINO

PAALA-ALA AT PATALASTAS

Kailanga ninyo na may “Computer-Internet” sa inyong pamamahay
Madali kayong makahihingi ng mga payo sa mga kina-uukulan
Malalaman ninyo ang mga nangyayari sa ibang mga lugar at bansa
At ang mahalaga, tatanggap kayo sa KIBAKA ng ating mga Paala-ala at Patalastas

Mahalaga na magkaroon ng mga “ASO” hindi mapagnanakawan sa bakuran.
Matapat na bantay sa inyong bahay at mga halaman at mga hayop na inaalagaan.

ANG KIBAKA
Email address: kibaka.canada@sympatico.ca

 


Privacy Policy || Terms of Use and Copyright Notice

Post your Resume and Find Jobs at Monster.com

(Overseas Filipino Workers) OFW Connect Overseas Filipino Workers Connect Logo Website is Online since July 2003..

This Page Was Last Updated on Saturday, September 8, 2007 11:34 AM

Please Join the Survey. Answer Some of the Questions About Being An OFW. Results of the Survey Will Be Published On Our Website.

Overseas Filipino Workers Tips, Guides and Useful Information, Services, Charity, Cooperatives and other Programs for OFWs. Tales About the Life of Overseas Filipino Workers and their Family, Guide to Foreign Immigration & Travel Papers Needed such as Visa, Petition Letters etc.
ofw information
ofw articles
ofw life stories
career / business tips
philippine travel
immigration guide

OFW Picture Gallery - Overseas Filipino Pictures
greeting cards?
ofw babies?
ofw in asia?
ofw in america?
ofw in middle east?

Submit your OFW related websites. Search and Submit your site on our Web Directory Links.
ofw website links?
philippine embassy?
foreign embassy in philippines?
world airlines?
world airports?

Post Free Classified Ads. Your ads  will be published and read from anywhere around the world.
ofw announcements?
real estate properties?
filipino jobs / opportunites?
ofw business, services?

 

JOIN! Filipino Overseas Workers Picture Gallery - Photo Collection of Pinoy Workers from Saudi Arabia, Korea, JApan, Malaysia, Brunei, United States of AMerica USA, Ireland, UK United Kingdom, Dubai, Italy, Canada, Taiwan, Germany, Singapore, Netherlands

> Advertisers Links