Why
Was Developed?
A Message from the Author / Webmaster / Owner
of B's
OFW-CONNECT.COM
Bilang isang OFW o Mangagawa sa ibang bansa, kailangan
kong malaman ang mga importanteng impormasyon na dapat kong tandaan
tulad ng pag-kuha ng passport, OEC / Overseas Employment Certificate,
mga benefits mula sa OWWA, Visa Electron Card / OFW E- Card at iba
pa. (Mababasa
ang mga ito sa INFO HUB. Para sa mga bagong IMPORMASYON ukol sa mga
OFWs, pakibisita po ang bagong OFW Connect Info Hub Section )
Ang mga impormasyon na aking nakukuha mula sa POEA, OWWA, Embassy
at iba pa ay aking tinatandaan at kung ako ay nabigyan ng kopya o
leaflet, akin itong itatago at ilalagay sa mga File folder.
Ako rin ay maraming mga naging kaibigan at naka-usap na kapwa OFW
at ako ay nagulat dahil marami sa kanila ang hindi alam kung papaano
kumuha at mag-lakad ng mga papeles tungkol sa kanilang pag-aabroad.
Kaya tuloy sila ay kalimitang nagiging biktima ng illegal recruitment
at mga nag-kalat na mapag-samantala. (Ipadala
sa corner na ito kung kayo ay niloko ng mga Illegal Recruiter o may
mga Reklamo laban sa tiwali. Pero para sa inyong seguridad, madalas
na hindi namin ipu-publish sa publiko ang inyong mga sensitive messages.
I-forward na lang namin sa kinauukulan kung kailangan.)
Taong 2002, nang maisip kong gumawa ng website, ito ay upang ipamahagi
ang aking karanasan, kaalaman, mga payo at impormasyon na aking nalalaman
para sa aking kapwa OFW. Hindi lamang ito para sa mga Overseas Filipino
Workers kundi para na rin sa aking mga kababayan na nais mag-abroad,
ganun din sa kanilang mga kamag-anak. (Basahin
ang aking mga Tips and Articles.)
Nag-simula ang OFW Connect noong July 2003, at naging positibo naman
ang naging resulta kaya hanggang ngayon ay patuloy ko pa ring pinag-iigihan
at sinusuportahan ang website na ito.
Sa tulong ng aking mga mahal sa buhay, mga kaibigan at ng ibang mga
mangagawang Pilipino sa buong daigdig, ang OFW Connect ay isa na sa
mga websites na may pinaka-maraming bisita sa ngayon.
Paalala: Kung
mayroong mga artikulo na hindi dapat naririto sa aming website,
paki-paalam lamang sa amin para kaagad namin itong aalisin.
BASAHIN DIN:
Why She Features the following important Sections on the <<<
left?
OFW
Information Hub
OFW Survey &
Forum - on progress
OFW Writings -
Stories & Poems - on progress
OFW Picture Gallery
- on progress
OFW Website Links
- on progress
Para sa DAGDAG na PAUNAWA:
Kami at ang mga bisita na nagbibigay payo sa website na ito ay nag
hahatid lamang ng kaunting kasagutan at payo sa mga naghihinge ngunit
dahil sa ang website na ito ay hindi isang ORGANISASYON o Isang MALAKING
AHENSYA, hindi kami makakapag bigay ng PISIKAL o TULONG FINANCIAL.
Kami ay mag tuturo lamang o magbibigay ng tips sa abot ng aming KAALAMAN,
KARANASAN at KAKAYAHAN.
Ang may-ari o nagme-maintain ng site na ito ay isa lang ding OFW
tulad ninyo at walang kaugnayan sa Gobyerno o iba pang OFW Welfare
Organizations, kung kaya kami ay nag-iimbita sa lahat ng may kaalaman
din na sumali sa aming forum upang magbigay ng kuro-kuro, mga tips
at mas magandang payo.
Maraming salamat po!
Para sa DAGDAG na Kaalaman ukol sa
Webmaster/Owner ng www.ofw-connect.com: BASAHIN
LAMANG DITO O KAYA
AY BUMISITA SA KANYANG OFW BLOG kung nais niyong makilala sya
ng lubusan...
Special Acknowledgement from the Author/Webmaster/Owner
of OFW-C
Special Thanks to everybody who contributed with the development,
design, content and operation of Overseas Filipino Workers (OFW) Connect.
To our family, friends, advertisers and contributors,
To our viewers and readers, to those who respect and value our labor
by following our sites Terms of
Use.
To those who put a LINK
TO US from their site.
To those who submit their websites for reciprocal linking.
Deepest Thanks to Our Creator from Above...He knows how thankful
I am with all those blessings He gave me...