Selected Topics
A. OFW Information Hub..
>> OPEN This
Link to Read my
Short Intro about OFW Info Hub
A1. OFW Information Category - Ito yung mga information
about obtaining Passport, OEC, OWWA and others, pinili ko ang dapat
na topic para sa OFW o magiging OFW nang sa ganoon kapag wala silang
oras na mag-punta sa opisina o di kaya ay mag-basa sa website mismo
ng POEA, DFA, OWWA etc, dito sa category na ito, diretso na nila mababasa
ang tungkol sa bagay na talagang pakay nila....Ngayon, bumisita na
lang sila sa opisina o mag email sa mga sangay na ito kung mayroon
pa silang gustong malaman at liwanagin...
Kapag hindi kasi nila alam ang mga requirements bago sila pumunta
sa opisina/embassy o mga sangay ng gobyerno para kumuha ng mga documents
na ito, posible na sila ay mag-tatanong sa kung sino na lang na madalas
mga mang-loloko o fixers pala. Ang mangyayari sila ay lalong ililigaw
imbes na ituro ang dapat na gagawin para sila ay pag-samantalahan
at kikilan (kwartahan)....Open
Link to Read Some OFW Information Topics
A2. OFW Services, Program, Charity and Welfare -
Hindi lang sa mga OFWs, kasama dito ang mga topics na para sa mahihirap
na Pilipino...Mga katulad ng information ay tulad ng OWWA benefits,
SSS, Pag-Ibig Fund, ganun din ang mga private companies tulad ng Banko,
Duty Free and Organizations na may programa para sa OFWs at mahihirap
na Pilipino...Bakit dapat malaman ang mga ito? Sa dami ng mga programa,
serbisyo at tulong na maaring ma-avail ng OFW at Kababayan natin,
sayang naman kung mag-tatatag sila ng mga ito pero hindi naman gaanong
nakakarating sa mga dapat na makabasa.
Tulad halimbawa ng OWWA Membership, SSS at Pag-Ibig fund...kapag
hindi natin alam kung ano ang magagandang benepisyo, kung ano ang
maari nating ma-avail, ang mangyayari ang mga binabayad natin ay hindi
napapakinabangan, kaya imbes na bumalik sa tao, maaring mawaldas lang
ito o magamit sa ibang bagay na hindi ukol samga OFWs...Okay lang
kung mapupunta sa mahihirap na kababayan sa Pilipinas, ang mahirap
ay baka magamit lang ang Pondo ng mapag-samantala na nasa posisyon...kaya
dapat alam natin ito...
Ang ibang Charity and Welfare naman na hindi related sa OFWs ay naka-feature
din dito nang sa ganun ay lumawak ang kanilang mga panawagan para
matupad ang kanilang proyekto para sa mahihirap na mga Pilipino...ang
mga Volunteer groups ay dapat na taguriang BAYANI din ng bansa, dahil
HINDI na nila kailangang umalis ng Pilipinas para makatulong sa bansa
at Sambayanan. Hinahangaan ko ang mga ganitong grupo lalo na ang mga
Doctor at Nurses, at mga Foreign groups kasi hindi sila nag-hahangad
ng malaking salapi para kumita. Kahit LIBRE ay handa silang mag-lingkod
sa BAYAN...kaya dapat suportahan natin sila...
A3. Articles about OFW Contributions - Be Proud
na OFW....Ito yung mga articles mula sa News, o mga freelance Journalist
na nilalahad ang magagandang ginawa ng mga Overseas Filipino Workers,
ang kanilang contribution para sa reputasyon ng bansang Pilipinas
at lahing Pilipino saan mang lupalop ng mundo. Pinili ko ito na i-feature
dito nang sa ganun ay maging daan sila para tayo ay ma-inspired din,
atin silang sundin o gayahin...pero kung hindi natin kaya ay wag nating
pilitin ang ating sarili...maniwala tayo sa sarili nating kakayahan...huwag
gaya-gaya....huwag ding mainggit, kapag sikat ang ating kapwa Pilipino
o siya ay naging successful, huwag pong mainggit, tayo ay dapat na
matuwa at dapat nating siyang ipagmalaki...(This is not under
OFW Info Hub anymore, please
go to this page for the new location of OFWs to Be Proud of)
A4. Articles About the Contribution of Filipinos in the Phils
(Non-OFWs) - Ito naman yung mga ibang Topics about Other
Pinoys' contribution for Filipino's in the Philippines...Interesado
ako kapag ang kwento ng ating kababayan ay talagang ka-hanga-hanga...tulad
halimbawa ng mga mayayamang tao pero sila ay patuloy na humble at
handang tumulong sa mahihirap...Hindi nila nalalait ang bansang Pilipinas
at kapwa Pilipino, sila ay tumutulong sa lahat at hindi nag-dadamot...ta
lalo na kapag sila ay marunong bumaba sa kanilang kinalalagyan para
lang mag-lingkod sa kapwa...(This is also not under OFW Info Hub
anymore, and we're currently editing this article, so check this out
later)
Pinipili ko rin ang kwento ng ibang Pilipino na may contribution
sa ating Economy, Technology, Education, Sports at iba pa, basta mga
dapat nating ipag-malaki at sila ay may magagandang kalooban...hindi
mayabang...sa kabila ng pagiging successful, sila pa rin ay humble...
A5. About Visiting Philippines / Travel Stories
- Bilang Pilipino na nakakarating sa Bansa kasi nga naging OFW, nakita
natin ang magagandang tanawin sa ibang bansa..na may mas maganda pa
sa ating bansa..PERO ang Pilipinas ay hindi pangit na bansa, isa sa
magandang lugar ang bansang Pilipinas kaya dapat nating itong ipag-malaki
sa mga bisitang foreigner...(This is also not under OFW Info Hub
anymore, and we're currently editing this article, so check this out
later)
I promote ang ating TOURISM industry, tulungan ang ating Gobyerno...hindi
ko makalimutan nang isang araw ay nakikinig ako sa isang radio na
mula sa bansang UK, nanalo ang British na babae ng libreng bakasyon
sa Pilipinas, at sabi niya dahil sa kanyang laking tuwa ay ganito..."Wow,
Philippines! I Love Philippines especially their Beaches!" ....o
diba magandang pakinggan...
Kung ang banyaga nga, gustong gusto ang Pilipinas, tayo pa kayang
mga Pilipino! Ipagmalaki ang Pilipinas, libutin ang Pilipinas bago
natin libutin ang ibang pasyalan sa ibang bansa...Be proud of the
beauty of the Philippines... Promote our country as No. 1 Tourist
Destination....tayo po ay napapalibutan ng tubig dagat at napakaganda
ng ating location...kaya dapat ipag-malaki natin ang natural na yaman
at kagandahan ng Pilipinas...
A6. Guide to World Immigration - Katulad din ito
sa OFW Information, yun nga lang for permanent migration hindi bilang
isang OFWs lang...dapat na mabasa rin ito ng mga kababayan nating
nang sa ganun, di rin sila basta basta naliligaw particularly yung
mga illegal recruiters...Bago kayo maniwala sa sasabihin ng recruitment
agency or travel agent, mag-inquire kayo mismo sa embassy o immigration
site ng bansang pupuntahan niyo...
Minsan sasabihin ng agent na okay lang mag-work as Tourist, naku,
bawal na bawal pala...sasabihin maraming trabaho sa bansang ito yun
pala, nag-lolocalize na...sasabihin ganito kalaki ang kikitain sa
ibang bansa, yun pala malaki dahil kapag pinalit sa Pesos ay malaki
pero malaki din pala ang TAX doon kaya akala ng mga Pilipino basta
nasa ibang bansa na maganda na at siguradong giginhawa na ang buhay...
Pag-aralan muna natin ang bansang pupuntahan natin, huwag basta sige-sge
at bayad o gastos ng malaki para lang maka-alis ng Pilipinas....Piliin
ang bansang gustong puntahan...siguruhin na kailangan ang talent mo
doon o skills...baka mamaya pag-dating mo doon ay hindi ka naman pala
kailangan ay baka mangyari sayo, mas mahirap ka pa kesa noong nasa
Pilipinas ka...
Kaya importante ito, mag-basa basa din kayo ng immigration news para
lagi kayong updated...(This is also not under OFW Info Hub anymore,
and we're currently editing this article, so check this out later)
Please watch out for more...come back next time...