About
Future Plans (by the Author/Founder of OFW-C)
Kung hindi mahirap gawin at kung may susuporta, balak ng VB's
OFW-CONNECT.COM
ang mga sumusunod;
> FREE Website Design/Hosting for Non-Profit Sites, Welfare &
Charity and OFW Groups (on hold due to lack
of time)
Pipiliin lang po muna ng Founder/Owner ng OFW-C.com ang maaring pagbigyan
ng libreng serbisyo kasi po sa ngayon, wala pong ibang gagawa kung
'di siya lamang...Sa madaling salita, kulang po sa oras at tao..kaya
hindi po lahat ng may gusto ay maaring pagbigyan...pero maari pa rin
kayong mag-request para pag-dating ng panahon ay isa kayo sa mga priorities...
> OFW-C Free Magazine or Newsletter (on
hold due to lack of funds)
Mga maaring nilalaman ay mga programa, impormasyon o
kahit anong articles tungkol sa mga OFWs. Ipapamahagi ng libre para
sa kaalaman ng mga OFWs lalo na para sa mga walang linya ng internet.
> Give Aways, Memorabilia's or Sourvenier (on
hold due to lack of funds)
Mag-bibigay ng mga souveniers tulad ng T-shirt, Bags,
Wallets na may tatak ng OFW-Connect website etc para sa mga Special
na bisita ng OFW-Connect tulad ng mga gumagawa o nag-bibigay ng mga
Articles, mga Advertisers o mga Special na Tao na nakakapag-contribute
sa website.
> To Promote Philippine Tourism (I'll
try to do this if i'm on vacation if possible)
Ang author/founder ng OFW-C ay nais na mag-libot sa
buong Pilipinas para ma-experience mismo ang kagandahan ng bansa,
nang sa ganoon ay makapag-sulat ng Travel Stories na may mga kasamang
litrato ng mga magagandang lugar sa Pilipinas.
Hindi lang mga lugar na kilala ang ipapakita o gagawan
ng istorya, kungdi pati na rin lahat ng simpleng lugar tulad ng isang
ilog, maliit na park , isang tahimik na baryo, bukid at iba para maipag-malaki
sa ibang lahi lalong lalo na ang mga Tourist o mga foreigner na nais
mag retire sa bansang Pilipinas.
Ito rin ay para maengganyo ang ibang Pilipino na i-promote
ang sariling tanawin dahil baka sila ay nakapag-libot na sa ibat-ibang
bansa pero ang bansa nilang sarili ay hindi man lang nila nalilibot
at hindi ipinagmamalaki.
> Charity and Welfare (Giving Donations) (wait
for God's GO signal, i'll wait until settled in a proper country or
if i'm back in the Phils)
Para sa mga kamag-anakan ng OFWs or OFW mismo na nangangailangan
ng tulong halimbawa, may kamag-anak sila na nag-kasakit, o sila ay
nag-kasakit at kailangan ng kaunting tulong pinansyal, balak ng OFW-C
na mag-karoon sana ng Pondo para kahit paaano ay makatulong sa mga
kababayan natin na kailangan ng pinansyal na tulong tulad nito. Kasama
din dito ang pag-bibigay ng mga gamit sa school, pamamahagi ng regalo
tuwing pasko at kapag sila ay nasalanta ng mga sakuna tulad ng bagyo,
lindol at iba pa.
PLease watch out na lang muna ang gagawin kong website,
"Charity and Welfare Exchange".
Ang magiging laman nito ay mga Panawagan ng lahat na nangagailangan
ng tulong - mga individual, groups or organization. Tapos, ito ay
mag-kakaroon ng Web Directory na para sa mga Charity, Welfare, Volunteers,
Cooperatives and the Like na websites. Now, kung sino man ang gustong
mag-donate, dito na lang din sila mag-response by contacting the poster
of that messages or panawagan.
GIVE US THIS DAY OUR DAILY BREAD, NOT GIVE ME! So, if
you're Blessed so much by GOD, learn to share your blessings to unfortunate
ones.
HUWAG MAG-IPON NG KAYAMANAN SA LUPA, dahil HINDI natin
yan madadala pag tayo ay pumanaw.
FOR MY PERSONAL PLANS AS AN INDIVIDUAL
Of course bilang isang OFW o ordinaryong Pilipino na
babalik sa kanyang bansa pag-dating ng araw at kung nais ko ng mag-karoon
ng sariling negosyo pag-katapos ng mahabang panahon na naging OFW,
narito ang aking balak hindi lang para kumita kung ''di mag-lingkod
pa rin sa kababayan at sa bansa kahit na papaano...
> Souvenier and Gift Shops
Ang mga paninda ay mga produktong Pilipino tulad ng
mga native bags, accesories, mga damit at iba pang Filipino / Philippine
Souveniers. This is to continue my desire to promote Philippine Tourism.
My prospect clients are not only OFWs or Local Filipinos, but also
Foreigners from around the world.
> Internet Cafe
Gusto ko pa ring pag-lingkuran ang mga OFWs at mga Kamag-anak
nila na MAHIHIRAP lang, lalo na yung walang mga access ng internet...Maaari
ko silang bigyan ng libreng gamit sa computer para maka-usap ang kanilang
mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa thru chat or email ....
> Website and Graphic Design Services
On the Job Training para sa mga bagong graduate na nakatapos
sa ganitong course. Ito ay para matuloy ang balak ng OFW-C.com na
makapalingkod ng lubos sa mga Non-Profit sites na hindi kayang mag-pagawa
ng kanilang website...Natutulungan nila ang kanilang sarili na matuto,
matutulungan pa nila ang Non-Profit sites na mag-karoon ng website
na libre.
******************************************************
Kung interesado kayo at gusto ninyong makibahagi sa
balak ng VB's
OFW-CONNECT.COM
o di kaya ay mayroon kayong mga dagdag na suggestion, pwede kayong
sumulat sa Founder/Webmaster (Vanie B)
para sa inyong mga mensahe...
Kung hindi man ito matuloy o magawa ng VB's
OFW-CONNECT.COM,
sana mayroong isang grupo na makakagawa nito balang araw...
"ANG TUNAY NA BAYANING OFW O PILIPINO AY HINDI
LANG ANG MGA UMAALIS PARA MAG-TRABAHO SA IBANG BANSA AT MAG-PADALA
NG KANILANG KITA PABALIK SA PILIPINAS.
ANG MGA BAYANI AY MAKIKITA RIN SA MGA KABABAYAN NATIN NA HINDI UMAALIS
PATUNGO SA IBANG BANSA PERO SILA AY HANDANG TUMULONG SA ATING KABABAYAN
KAHIT NA SILA PA AY HINDI KIKITA NG MALAKI.
ANG MGA KATULAD NILA AY AKING HINAHANGAAN, SILA AY ANG
MGA CHARITY AND WELFARE ORGANIZATIONS, MGA VOUNTEERS AT MGA OFW/BALIKBAYAN
NA NAG-TAYO NG MGA NEGOSYO SA PILIPINAS PARA MAG-KAROON NG TRABAHO
ANG MGA KABABAYANG HINDI MAKAPAG-ABROAD."
Maraming Salamat sa mga Bumasa...